Sino ba ang may dala ng pinaka importanteng mensahe sa mundo? Mahahanap ba ito sa radyo o tv? Malamang. Pero, kami, mga misyonero ng Simbahan ni Hesukristo ng mga banal sa mga Huling araw ang magsasabing may dala nito. Unang una, mahal ka ng Tatay mo sigurado, may plano siya para sa'yo mula nung lumitaw ang pag mumukha mo dito sa Mundo.
Chong, meron tayong mapagmahal na Ama sa langit, na kahit matigas ang ulo mo, andiyan siya sa'yo, at mahal na mahal ka niya, tulad ng tatay mo, meron siyang magandang plano para sa'yo.
Yun ay yung makabalik ka ulit sa piling niya. Diba astig yun? Pero, pano namin to nalaman? May paraan siyempre, yun ay yung mga propeta. Oooops...teka lang, paliwanag ko muna kung ano ang propeta, siya yung inatasan ng Diyos para sabihan tayo kung ano ang dapat nating gawin. "Guide" Ikanga. :) Ayus ba? Kaso, maraming hindi naniniwala sa kanila, tulad nung panahon nina Moises at Noah, diba? Kaya, nagtatawag parati ang Diyos ng bagong propeta para magpatuloy ng mensahe ng Diyos sa tao. Ayan, Kaso, paulit ulit nagkakaganon, kaya, nabanas na ang Diyos, yung bugtong na anak na niya ang pinadala niya sa lupa.
Diba memorize mo yung John 3:16?? Yun na yun!! At alam mo ba kung ano ginawa niya dito? Tama ka! May apostoles siya, at nagtayo siya ng Simbahan niya. Ang Simbahan ni Hesukristo. Sa kanya yun eh. Edi pangalan niya ang gagamitin diba? May pundasyon yun, una, pagpapahayag, pangalawa, awtoridad, pangatlo, yung propeta at apostoles, isa man ang kulang sa kanila, hindi natin masasabi na Simbahan ni Hesukristo yun. ALam kong alam mong pinako siya sa krus.
Pinatay siya. Maraming di naniwala. Di kapanipaniwala no? Pero totoo. At, mula nung nangyari yun, nawala ang katotohanan, namatay din ang mga apostoles, nawala ang awtoridad at pagpapahayag, sino ba kasi ang tatanggap? Wala naman. ANg naiwan ay yung biblia. Maraming matatalino ang nagbasa nun, magaling sila, pumulot sila ng katotohanan dun, at nagtayo ng simbahan. Parang isang salamin na nabasag, pumulot sila sa piraso nito. Mahabang panahon ang lumipas. Dumami ang Simbahan. (Hanggang ngayon).
Pero, nasan ba yung Simbahan ni HEsukristo na may Awtoridad, Pagpapahayag at Propeta at Apostoles? Nawala yata ah. Oo, nawala nga. At tulad mo, may nalilitong bata, siya si Joseph Smith, taga Amerika siya, 14 anyos, minsan, sa kanyang pagbabasa ng Biblia, nabuklat niya sa Santiago 1:5, sabi dun, Na kung sino man ang nagkukulang ng karunungan sa inyo ay magtanong lamang at humingi sa Diyos na nagbibigay ng sagana sa lahat at di nanunumbat, ginawa niya ito, nanalangin siya.
Isang umaga, sa kanyang panalangin, nakarating ito sa langit at nagpakita sa kanya ang Diyos Ama at si Hesukristo..tinanong nya kung san ba ang totoong Simbahan, sabi ni Hesus, "wala ni isa sa kanila ang simbahan ko, malapit sakin ang kanilang bibig, ngunit malayo naman ang kanilang puso." naliwanagan si Joseph Smith.
Oo, siya ang makabagong propeta sa mga huling araw. Teka, baka bulaang propeta si Joseph Smith..baka nga!! diba?? Pero, sabi sa Biblia, na malalaman mo kung totoo siyang propeta sa kanyang bunga. Merong bunga si Joseph Smith, yun ay ang Aklat ni Mormon. Malamang meron ka nang kopya nito na nasa bahay niyo at inaalikabok. ALam kong may kapangyarihan ang Aklat na yun. May pangako dun, sabi,malalaman mo kung totoo si Joseph Smith at Ang Aklat ni Mormon sa tatlong paraan. Una, basahin mo, pangalawa, pag bulay bulayin at pangatlo, itanong mo. Itanong mo! Manalangin ka. Tanong mo kung totoo ba yung pinagsasasabi ko.
At, alam kong nakikinig ang Diyos. Kaibigan, alam kong bago 'to sa pandinig mo, pero nais kong malaman mo na muli nang naipanumbalik ang Simbahan ni Hesukristo dito sa mundo na may tamang awtoridad, buhay na propeta, at pagpapahayag. Buhay ang Simbahan. Buhay ang Panginoon. Siya kahapon, ngayon at bukas. At, sana, malaman mo na ginawa niya ang lahat ng 'to para sa muling pagdating ni Hesus.
Mahal ka niya. Diba't magandang subukan mo din?
(Ang blog na ito ay hindi nag-aadvertise ng relihiyon o anuman. Isa lamang itong mensahe galing sa manunulat)
|