umalis.. ang araw dala ang lamig ng gabi umaapuhap ang halumigmig ng nagdaang panahon habang sinasariwa sa isipan ang init ng kapeng hinipan ng
kalungkutan.
naglakad ang buwan....
walang patutunguhan sa ilalim ng kawalan hinahanap ang init ng siglang araw tumatakbo hanggang mahanap sa kalawakan ang kasagutan sa mga tanong
nasaan...
yun pala, may mga bagay na 'di magtatagpo hindi magsasalubong ang isa ay nanlalamig ang isa ay naghahanap habang parehong nakakulong sa pagsibol ng umagang walang bukas isang umagang walang buhay
patay na liwanag sa sibol ng kalangitan....
(c) 2007. Ernest Genesis Mercado Guevara
Featured on: September 13, 2007
Statistics
No. of contributors = 404
No. of entries in archives = 6,862
About emanilapoetry emanilapoetry formally opened on 19 June 2005 and is an online community of more than 400 writers and poets from various countries. As at 28 Sept 2007, this site has more 6,862 poem entries in archives.