Umaga na pala'y hindi mo pa alam Pagkat paligid ay pawang kadiliman Pa rin, subalit kung titingnan ang buwan, Naghihikab na 'to, kanyang kaharian Ay nalulusaw na, nagbibigay-daan
Sumisinok ang makinang naka-plag sa dinding Kumakaway ang bintana ko, may malamyos na hangin Sa tuwing ako'y manunungaw, magbubukas at titingin Sa mundong ibabaw na puno ng indak sa hardin, Dito sa loob ko mamasdan, mga sandali at iisipin Maranasan ang sarap mula umaga hanggang takipsilim.
About emanilapoetry emanilapoetry formally opened on 19 June 2005 and is an online community of more than 400 writers and poets from various countries. As at 28 Sept 2007, this site has more 6,862 poem entries in archives.