Paano matutukoy and tanging pag-ibig? Kung wala itong katulad, sukat, at bilang Walang dami ng salita ang makakalarawan Walang una, huli, simula, at hangganan..
Nangungulila ang kalatok ng sapatos na paos, Sa saliw ng alulong ng asong nakatanghod; Tulo ang laway at handa nang sumugod Sa kaluluwang ang tuhod ay nangangalos, nauupos.
Nang minsang mamingwit sa balong pag-ibig, Galay ko’y nabakli pagsagpang ng puso; Agad ibinangkis ang hiblang sinulid Upang ang bingwit ko ay muling mabuo.
Hindi ko babasahing lahat ang pahina ng iyong kasaysayan, Dahil gusto kong ako ang maglapat ng magiging wakas Hindi ko tatapunan ng sulyap ang pabalat ng iyong kasaysayan Upang manatiling sabik ang aking sariling iba ka sa lahat.
About emanilapoetry emanilapoetry formally opened on 19 June 2005 and is an online community of more than 400 writers and poets from various countries. As at 28 Sept 2007, this site has more 6,862 poem entries in archives.