|
|
Natutungkab ang naglangib na rehas mong sinadlakan, At kung minsa’y di masilip ang init ng haring araw; Ni ang huni nitong maya’y di marinig itong dayaw Pagkat sila’y nalulungkot sa liwanag na mapanglaw.
Ulinigin mo ang odang iniangkas ko sa hangin, Ang dayaray ay tahimik pumayapas sa ‘yong karsel; Hinahagod ang ‘yong hapis at pilit kang inaaliw Upang ikaw ay sumigla paglilim ng takipsilim.
Hintayin mo ang sandangkal na liwanag sa Silangan, Makikitang nakaangkas ang sambuntong kalayaan.
|
September 15, 2007 by Raul Funilas |
|
|
|
|
Bigla akong nagulantang! Jack Alvarez, Ikaw'y isang sa tula ko ay nag-imis; Nais ko lang pasalamat sa pagbigkis Ang hinalaw mong epigraph ay may tinig |
September 11, 2007 by Raul Funilas |
|
|
|
|
Kayuran mo ako, kakayuran kita - Binata 'kong taring, dalaga kang g'wapa, Handa'ng mga bisig ko kung handa ka na. |
August 17, 2007 by Fermin S. Salvador |
|
|
|
|
Tandaan mo: Ang isang patak na katapatan ay katumbas nang isang baldeng galing! |
August 15, 2007 by Vic P. Yambao |
|
|
|
|
Hikab, Paggising sa umaga; Inat, Dugoy dumaloy sa ating dalawa; Dipa, Pagsalubong sa bagong buhay; Hikab, Inat, Dipa sa bagong umaga, Hikab, Inat, Dipa, Kailangan natin sinta, Lasapin ang mga Biyaya. |
July 24, 2007 by Edwin Estioko |
|
|
<<< Previous :: Next >>>
|
|
» Featured Poems
» Pinoy Verses
» Tulang Pinoy
» Writers Index
» Writers Blogs at Iba Pa...
|