PAGMUMUNI Gaano Katagal Ang Ngayon? Mark Alvin Ligaya
Ang ngayon Kasalukuyang naiiwanan ang nakaraan Hinahabol ang kasalukuyan Ang ngayon Kahapon ay kinabukasan Bukas ay kahapon Kanina ay mamaya Mamaya ay kanina Ang ngayon Umiiral nga ba ang ngayon? Sinasabi ng ilan Na nabubuhay sila sa ngayon Gaano katagal ang ngayon? Nasusukat nga ba ang panahon? Nahahawakan ba ang panahon? Kung ako ay mabubuhay sa ngayon Bukas ay nabuhay ako sa kahapon Kahapon ay nabuhay ako sa kinabukasan Ang ngayon Gaano katagal ang ngayon?
About emanilapoetry emanilapoetry formally opened on 19 June 2005 and is an online community of more than 400 writers and poets from various countries. As at 28 Sept 2007, this site has more 6,862 poem entries in archives.