naisip ko ngayon na hindi tumula, yung para bang sumulat ng tula na hindi naman talaga tula yung kabaligtaran ng tula kung may ganoon man walang pinanggagalingan na apoy sa puso o isip ngunit may pinapaksa sapagkat hindi naman laging may tema ang isang magandang tula minsan ang mga magagandang tula ay punit- punit lasog- lasog na nagbibigay dito ng sinasadyang karakter basag, sabog, gulanit mga larawang pasulpot-sulpot lumulutang na mga kalaliman at kababawang minsan ay di maintindihan kahit ang hindi pagkaintindi kung minsan ang nakapagpapahatid ng nais maintindihan
About emanilapoetry emanilapoetry formally opened on 19 June 2005 and is an online community of more than 400 writers and poets from various countries. As at 28 Sept 2007, this site has more 6,862 poem entries in archives.